Teresita F. Atienza

- Teresita F. Atienza, Teacher
Kamuning Elementary School, Quezon City
Former Alay Buhay Scholar

“Isa ako sa naging mapalad na maging unang mga beneficiaries ng Alay Buhay. Para sa akin hindi lamang P50 at gamit sa paaralan o materyal na bagay ang naibibigay nila sa akin noong panahon na iyon, kundi ang isipin na may pag-asa pa sa kabila ng sitwasyon ng aming mahirap na buhay at isiping may mga taong handang tumulong upang makamit ko ang aking mga pangarap.

Sa kasulukuyan ako ay nagtuturo na sa isang pampublikong paaralan, sa Kamuning Elementary School at nag-aaral sa ngayon ng kursong Special Education para sa aking Masteral degree. Napagtapos ko rin ang aking bunsong kapatid. Ang aking narating at mararating pa ay habang buhay kong tatanawing utang na loob sa lahat ng bumubuo ng Alay Buhay lalong-lalo na kay Mr. Stephen Tindall. Maraming-maraming salamat po. Nawa po ay patuloy kayong gabayan ng Panginoon upang marami pang tulad ko na minsang nagarap at naabot ang mga pangarap dahil sa inyo.”